******************************************
Ang sakit ng ulo ko: pati lalamunan ko pumuputok na sa ubo. 11am ng sabado. Concert na pla mamaya ni David Cook at David Archuleta. Excited na siguro si Mama. Super Mega duper over fan kasi yun nung dalawa. Bumili ako ng apat na tiket para sa mama ko, sa dad ko at sa kapatid kong negosyante.
Dahil sa sobrang antok ko at sa sama ng pakiramdam ko, kumain lang ako ng almusal nakatulog na ulit ako. pagkagising ko alas-tres na ng hapon. Naligo nako habang si mama at si dad ay nagbihis naman. nako, kung hindi ko pagugulatin baka tapos na ang concert nasa bahay pa kame.
Si Deeanne,, ang kapatid kong laging may dalang calculator (pang compute ng kita nya), nasa MOA na at may ka business transaction, hihintayin nya nalang daw kame dun para sa concert. wow. multi tasking.
at dahil malapit lang kami sa MOA, sandali lang ang byahe, nakarating kame ng mga alas-siete ng gabe. 8pm ang start so hindi pa kami huli. hindi ako nagdala ng digicam dahil bawal daw sabi sa website ng ticketnet, at dahil good boy si tanga, hindi nga nagdala. samantalang naka DSLR pa ang mga Mokong na kasabay namen sa pila.
hinintay namen si Deeanne sa 7-11 sa tabi ng open ground sa MOA, binili ko ng pagkaen si Dad at baka magutom sa loob at magwala,,. pag nagkataon palalabasin lang kame ng mga dambuhalang bouncer nila. hahaha. pagdating sa entrance, sabi ni deeanne gusto daw nya nung concert poster ni David Cook na nandun sa stall bago pumasok ng concert ground, ang kaso, kelangan bumili ka ng ECO GREEN BAG set worth 140php bago ka makakuha ng poster. at dahil back-up nya si mama, wala akong nagawa. HANEP, ang laki ng kinita ni HENRY SY dito. wahehehe.
Inisip ko nalang para ito sa kalikasan at sa ikagaganda ng mundo. stop climate change. bow.
Pagdating sa checking ng gamet.... bawal daw ang pagkaen sa loob dahil may nabibilhan daw dun. putek talaga. binili ko pa naman si dad ng pagkaen. So wala akong nagawa dahil mukhang rhinocerus yungmga pagmumukha ng mga bouncer na any minute tutuhugin ako pag umalma. kahit ilang milya pa ang layo ng parking area kung saan naka-parada ang sasakyan namen. todo takbo ang dala ang green bags, pagkaen at ang bag ni deeanne pabalik sa sasakyan. lumipas ang 15 minuto, nakabalik ako na parang galing na sa stampede ng concert. talo ko pa ang magcoconcert, basang basa nako ng pawis. yak!
Sa awa ng dios nakarating din kame sa loob, at habang naghihintay ng paglabas ng mga singers, naglibot libot muna kame dahil ang dameng mga pakulo sa loob, may nagbebenta ng sapatos (sketchers), may mga pagkain (Mcdo), at lotion (Myra). nanghingi pa ng poster si mama pati PIN na nakalagay I LOVE DAVID COOK. grabe. anyway, yun nga, tumawag ang kaibigang lugie dahil sa hindi ko alam na rason eh nalaman nyang nasa concert ako. nag-call back ako sa kanya dahil gumamit ako ng 20 minutes call sa GLOBE. so syempre 20 minutes kameng nag-uusap hanggang sa mag start ang concert. pagkatapos na pagkatapos namen mag-usap, namatay ang cellhone ko.
low batt.
PATAY.
deadz na deadz talaga. wala pa naman akong camera, si deeanne naman low teach na phone ag dala, takteng buhay talaga. pang friendster na nga lang at facebook, nawala pa. buti nalang nakapag picture picture nako bago namatay ang fone ko. kaya mukha akong kawawang bata habang nagpipicture ang mga katabi ko gamit ang mga CASIO, SONY, MINOLTA, KODAK at kung ano ano pang digicam, gusto ko sana sabihing:
"mga punyeta kayo... huhuhu. hindi nyo ba nabasa sa website na bawal ang DIGICAM DITO! bakit nagdala parin kayo!!!"
(sobrang bitter ko talaga..)
pero dahil sayang ang binayad ko kung magmumukmok lang ako.. nagpakasaya nalang ako sa panunuod at pakikinig. mag sesearch nalang ako sa net para sa mga picture sa concert na to, malay mo nahagip pala ako sa mga nagpicture, eh di may instant kuha na ako.
Masaya naman ang concert, kumanta si David Archuleta, hindi ko alam yung mga kinanta nya dahil hindi naman ako bumili ng album niya so pa-indak indak lang ako habang kumakanta sya. yung kanta lang nyang "im still not over you" , "crush" at "stand by me" ang medyo nakarelate ako. sobrang overwhelmed daw sya sa sobrang dame ng pumunta. Whatever. pero sa totoo lang, nakakatuwa sya kasi masigla syang mag concert. mukha rin syang tumitira ng katol, parang si Ana May, yung ka work mate ko na bangag pag pumapasok. Peace Ana May. Si David Cook naman medyo puro pasigaw lahat ng kanta, rock kasi, kaya yung mga nanay at mga lola, medyo nakakunot ang nuo at nakataas ang kilay.
Si deeanne, dahil pagod na siguro napag katuwaan nalang ang mga reaksyon ng tao. sabi kasi ni David Cook:
"I wanna see everybody up!"
ang mga dugyot namang nanunuod sige palakpak sa ere.. parang mga baliw.
sabi ni deeanne:
"di ba ibig sabihin nun talon? bakit si pumapalakpak?"
medyo hidni masaya ang audience pagdating kay David Cook, kasi wala man lang tumatalon, nag Slamman at nag wawala. hindi ko alam kung mga patay na bata ang katabi ko oh dahil puro sa matatanda ako napunta. yung mga bagets kasi sa gitnang part parang nag rarambulan eh. so ayun, dahil nabusog na ang mata ng lahat, umuwi na rin kame para makapag pahinga. as usual, si mama, ibibida ang PIN na nakuha niya at ang pag papa-picture nya sa human size poster ni David Cook sa mga amiga nyang hindi nakapanuod. Si dad naman as expected, puro criticism na kesyo nung sinaunang panahon mas magagaling daw ang manganganta, wala pa rin daw tatalo kila Tom Jones at kung sino sino pang laman ng karaokeng luma. At si Deeanne, nangangarap kung kelan makakapag produce ng concert na katulad nun, para kumita sya ng malaki.
Buhay nga naman. parang Life. May mga taong pinagkakaguluhan at pinagkakagastusan, makita lang.... eh nandito naman ako, available 24/7. hehehe.
**************************
Mama: hello everyone! I'm here up close and personal with DAVID COOK. O ha!