Wow.
absolute wow.
Galing akong Makati kanina, langayng buhay... ngayon na nga lang ulet ako nagpuntang makati nag-kanda leche leche pa. Nagpunta akong Makati dahil sa planong pag-aaklas ng mga rebolusyonaryong Pinoy, este, dahil gusto ko magliwaliw kahit papano. (pasensya na wala pa akong tulog simula kagabi.
Nagpunta akong Glorietta para kumain sa simpleng Kainan, Sa World's Chicken. kung saan, sa hindi ko mawaring dahilan eh nahuhumaling ako sa lasa ng grilled chicken nila... may halo sigurong shabu or marijuana. ang side dich ko ay Bacon rice pati Pesto pasta. busog to the max ako, Kasama ko nga pala si "J" (nickname lang), ang friendly neighborhood fashionista kong friend. tipong magsusuot ng Gown or Kimono kahit papasok lang sa isang simple at normal na araw sa trabaho. Magbibihis ng mala princess Sarah or Chun'li Japanese school girl na damit para mag-mall or magsimba. astig di ba?
HINDE.
kasi pati ako tinitingnan ng tao. camera shy pa naman ako.
mabalik sa usapan, nag libot kami bago umuwi... OO, tama ang narinig nyo,,, kapupunta palang namen sa Glorietta uuwi na kame.
Nak ng teteng naman kasi saka pa sumakit ang tyan nitong si kaibigang J, ayun... napilitan kaming umuwi ng maaga. at dahil BORLOGz na kaming parehas.. yun nga.. we decided to keep our travel short (OHA! NOSEBLEED)
habang naglilibot kami, nakakita si J ng isang cellphone, mukha lang syang nokia 1100 kung lam nyo ang itsura non. yun nga lang silver plated at mejo mukhang may rhinestones sa gilid. VERZIO ang tatak, hindi ko alam kung matibay yon pero nung nakiuta ko ang presyo, dapat lang mas matibay pa sya sa pagkakatayo ng great wall of china:
Umaatikabong PHP330,000.00 ang halaga ng karampot na bagay!!!
kulang nalang ay lumuhod ako at itaas ang mga kamay ko habang naglalakad paluhod patungong quiapo para ipagdasal ang kaluluwa ng bibili ng cellphone na yon...
(hindi para maliwanagan, para maisip nya na ibahagi nalang nya saken ang kayamanan nya kung wala na syang mapaglagyan)
natawa nalang ako.
napadaan kami sa third floor ng glorietta, may mga botique na naglalaman ng cuttlery set and kitchen wares. may nakatawag ng pansin ko. Isang set ng kubyertos. mukhang matibay naman at ginagamit sa mamahaling restaurant.. pero ang main feature nya:
may 25 years warranty sya. so garantisado ka sa quality.
putek... bibili ba ako ng ganitong bagay sa loob loob ko.. baka wala pang isang taon nawala ko na yang mga yan. sinabi ko kay J yung nakita ko, sabi nya:
"sigurado ako sa mahal ng presyo nyang one set ng kutsara tinidor na yan, dapat lang na may 25 years warranty yan"
natawa ulit ako, maatim ko bang bumili ng libo libong halaga ng ISANG set lang na kubyertos kung ang ulam ko naman eh sardinas o tuyo lang?
NEVER. OvEr My DeAd SupeR dUpER GooDlooking BOdEEee!!!
ang mga mayayaman nga naman, porke wala nang mapaglagyan ng pera.. gumagawa ng paraan para kahit papano pag pumunta sila sa mall may mabibili't mabibili pa rin sila.
although masaya ang buhay mayaman, mas maganda paring mamuhay ng simple at payak, dahil sa mundong ito, hari ang mga jologs. (haha)
Buti pa si INDAY, tuwing day-off watch watch lang ng sine. solb na.
Namiss ko tuloy yung labandera namen.... hay.
No comments:
Post a Comment