AnG BuHaY sA CalL CenTer


*****************

Hapon na naman, may pasok na naman ako mamayang gabi, Eto ang hirap pag isa kang CALL CENTER AGENT. Sa gabi, para kang aswang na talak ng talak sa mga kano pero deep inside antok na antok ka na. pag labas mo ng opisina, talo mo pa ang bampira sa laki ng eyebags mo. buti sana kung kasing gwapo ka ni Edward Cullen sa twilight, Solb ang problema mo. Eh pano kung si Gollum ng "the lord of the rings" ang kamukha mo, tapos alas tres ng madaling araw ang labas mo sa opisina... lahat ng makasalubong mo sasabihan kang:




"Lumayo ka satanas! sa ngalan ni kristo, bumalik ka sa pinagalingan mo!"

(sabay krus ng dalawang pointing fingers nila)




Halos dalawang taon na ako nagtratrabaho sa Call Center pagka graduate ko, bukod pa dun yung anim na buwan kong part time job sa isang call center sa Makati nung nag-aaral pa ako. Ngayon, dito ako sa may Mall of Asia nagtratrabaho, kaya pag nagka-Tsunami ako ang unang unang makakapag surf papuntang Makati area... Yun ay kung marunong akong mag-surf.



Madali lang naman ang trabaho pag sanay ka na, pero kung tatanga tanga ka, kakainin ka ng buhay ng mga Amerikanong umuusok ang ilong at walang ibang ginawa kundi magreklamo sa telepono. Mga tickets sa airport ang handle ko sa isang Famous airline sa states, clue: yun ang airline na naging sikat dahil sa pagtama ng eroplano sa twin tower nung September 11. OO, yun yon.



Masaya ang mga tao sa Call center, madalas, madadaldal, chismosa at magpag-gawa ng kung ano anong kwento... kaya siguro sila pumasok bilang agent on the phone. kahit na minsan wala nang oras dumaldal sa katabi, gagawa at gagawa ng paraan makapag chismisan lang. eto ang isang scenario:





Girl 1: (walang calls sa phone nya) Oi frend! alam mo ba si **** at si **** na pala! grabe noh? kaya pala punta ng punta dito eh.





Girl 2: (wala ring calls) Talaga? eh kilala mo kung sino ang bagong buntis? si *****. nakita ko nagpasa ng medical certificate sa TL nya





Girl 1: Talaga???? Eh di ba sila ni ---- (biglang pinasukan ng call)





Girl 1: "Hi thank you for calling my name is *****, how can I help you today??"

(sabay senyas kay girl to na to be continued ang usapan)





Ganun ang eksena sa opis, paputol putol ang usapan pero sulit naman daw. hindi sila inaantok. kaya paglabas nila ng opis sa umaga. kulang nalang murahin na sila ng mga lalamunan nila sa pamamaga nito.



Problema rin ang pagtulog lalo na sa umaga, dahil technically ang katawan natin ay sanay ng tulog sa gabe, hindi masyadong maayos ang tulog at mababaw lang. sa bahay nga namen ang kwarto ko; sarado ang pinto, patay ang ilaw, may makapal na takip sa bintana at wala dapat maingay. pag may isang pulgadang ilaw lang ang nakapasok sa kwarto ko sumisigaw na ako ng:





"AHHHHHHHHHHHHHH!!!!! Ilaw! I hate lights! nasusunog ako! huwaggGGGG!!!!!!"

(sorry exaggerated lang to mg a dudz)





Kahit na hindi kami peace ng haring araw at lagi akong may baong shades kahit gabi at umuulan, hindi naman ako naninilaw at wala parin naman akong pangil o medyo nahuhumaling sa dugo.


Eto ang mga tips kung paano nyo malalaman na sa call center nagtatrabaho ang kasabay niyo sa daan:






  1. Pinakaunang sign, sa gabi mo sya makakasalubong, at tipong fresh na fresh pa sya at bagong paligo. kung hindi naman sa fresh, malamang tumtakbo din sya. isa lang ang dahilan --- kasi late na yun at tinatalakan na ng supervisor nya dahil palagi nalang syang late.


  2. Pag sa umaga mo naman nakasabay, parang tamad na tamad kahit kakasikat palang ng araw. at tipong ayaw masinagan kahit kapiranggot ng Sun Rays. Mukhang mabaho na at Haggard ng sobra sobra. mukhang wala sa sarili at kakagaling lang sa bugbugan.


  3. Ang laman ng bag nya, mamahaling cellphone (pero wala naman load dahil hindi sya makapag text sa umaga at wala naman syang katext sa gabi.), Shades (ang kakampi ng bawat call center agent), at ang mahiwagang Tumbler (mapa-starbucks man yan, oh cheap looking basta tumbler IN ka sa Call center society)


  4. Mapapansin mo ding may dala syang JACKET kahit na hindi umuulan at tirik na tirik ng araw maghapon. pag bongga pa ang nakasabay mo, tipong pang north pole jacket na may Fur pa ang dala nyan. MAG-INGAT ANG MGA MAY HIKA.


  5. Lastly, Pa- SOSI mag salita yan. Tipong pa slang slang pa pero maya maya mapapansin mo na ang VISAYAN accent nya. yung tipong mag nonose bleed si manong jeepney driver dahil nagbayad sya ng pamasahe eh todo english pa sya ng todo.



Kaya sa susunod may makasabay kayo alam nyo na ang mga signs kung CALL CENTER AGENTS sila o hindi pero MAG-INGAT:



****** 99 out 100 call center agents ay mabangis at mala-animal ang ugali pag walang tulog, kaya wag nyong tititigang mabuti dahil pag nahuli kayo, baka sa ospital ang bagsak nyo. OK?******



Ayan, tapos na naman ang isang mala-telenovela Moment ko dito, na-realize ko lang na....



PUTEK!!!!! isang oras nalang papasok nako!!!! hindi pa ako natutulog! takteng buhay to!!!



sige nah!! Late nanaman ako nito, 'langyang buhay to oh.



1 comment:

Related Posts with Thumbnails