___o0O---O0o____
Dis-oras na ng gabe, nakatunganga parin ako sa monitor ng computer at walang sawang nag-ttype ng mga kung ano ano dito. Ako nga pala ang May-ari ng blogg na to. at ito ang naicp kong tema dahil sa isang mala-batang pakikipag sapalaran ko sa Mall of Asia kasama ang mentally retarded na kabigan, Si Lugie (Joke lang! baka pagsasak sakin moko ng kutsilyo ha).
*** Naisipan namen last year na mag tingin tingin ng mga kung ano ano sa mall, at dahil malapit lang ang trabaho namen sa MOA, dun na kami naghasik ng mga katarantaduhan. balak ko kase bumili ng pabango (kasi nangangamoy nako that time). kaya lang nahihiya akong pumasok sa mga bigating mga botique (pormang magnanakaw kasi ako that time), pero dahil kasama ko ang kaibigan kong matalik na walang pakialam sa mundo, sugod kame.
kung ano-anong pabango pinag aamoy namen. HUGO BOSS, COOLWATER, DIESEL, ARMANI. yung tipong sumasakit at namamaga na ang ilong ko sa ka aamoy ng mga pabango. sabi nung salesman, dahil nahalata nyang mukha na akong nakatira ng katol:
"Ser, eto po, Coffee bean para ma neutralize ang amoy"
Ayun, aba. pagka amoy ko na coffee bean, wow. nagbalik ang ganda ng mundo at sumigla ang pakiramdam ko. (oha, drama di ba?). at dahil may kasama rin akong may mas sapak sa akin, nang-hingi pa ng piraso kay kuyang salesman sabay eskapo sa botique.
*** pagkatapos nagpunta kame sa mga 2nd class na mga perfume shops; ZEN ZEST, AFFICIONADO, MOSSIMO, PENSHOPPE, BENCH. parang kameng mga tanga na amoy ng amoy ng pabango habang halos masinghot na namen ang nag iisang coffee bean na hawak ni Lugie. at may spiels pa kame pag aamoy na kame ng coffee bean:
"kopi bean kopi bean muna! MMMmmHhhhmmm"
ayun natapos ang buong araw. wala kameng nabili kahit isang pabango, namaga ang butas ng ilong ko sa kaka-amoy, nahati sa dalawa ang coffee bean na sinuwerteng maka-survive sa ginawa nameng pag-amoy sa kanya. pinaghatian pa nga ata naming dalawa yun eh. remebrance.
So dun ko nakuha ang pangalan ng blogg ko, simbolo ng mga kwelang kwento ng buhay, na kakapulutan ng aral kung pagtitiyagaang basahin, at salamin ng katanrantaduhan sa buhay na kasing init ng kape pero kasing tamis ng tsokolate.
HELLO FRIEND!!!!!!!!!
ReplyDeleteVERY FUNNY NAMAN BLOG MO. HEHEHE ADD KTA SA LINK KO PARA CUTE! ;D
BIDA BIDAHAN PALA AKO SA BLOG MO EH.. WOW MY HISTORY PA!!!!!!!!!!
I LIKE IT!