NG ALAMAT NG SINUMPANG "BIRD"




***************************************************



Malaki ang problema ni Pedro.


Ga-higante ang kanyang ... kuwan... 25 inches.


Dahil dito, ayaw siyang pakasalan ni Maria.


Naisip niyang humingi ng tulong kay Manang Belen, ang arbolaryo sa kanilang lugar .


"Naku Pedro", wika ni Manang Belen, "iisa lang ang remedyo sa problema mo.Kailangan hanapin mo ang mahiwagang loro sa tuktok ng bundok at hilingin mo na pakasalan ka niya. Tuwing tatanggihan ka ng loro, liliit ng 5 inches ang kuwan mo.


"Umakyat si Pedro sa bundok.


Nang narating niya ang tuktok , nakita niya ang mahiwagang loro.


"Mahiwagang loro, pakasalan mo ako", halos binulong lang ni Pedro sa kaba.


"Ayoko!", sagot ng loro.Pag silip ni Pedro, 20 inches na lang siya!


"Mahiwagang loro, pakasalan mo ako", mas malakas niyang binigkas .


"Ayoko!", sagot ng loro. Pag silip ni Pedro, 15 inches na lang siya !


Minsan na lang para matuwa si Maria.


" Mahiwagang loro , pakasalan mo ako", halos napasigaw siya sa galak.


"Ang kulit mo naman!" sumbat ng loro , "Sinabing Ayoko ! Ayoko! Ayoko!"

Bebe's DaY ouT: A tRiP tO tHe MaLL

*************************************************
Wow.
absolute wow.
Galing akong Makati kanina, langayng buhay... ngayon na nga lang ulet ako nagpuntang makati nag-kanda leche leche pa. Nagpunta akong Makati dahil sa planong pag-aaklas ng mga rebolusyonaryong Pinoy, este, dahil gusto ko magliwaliw kahit papano. (pasensya na wala pa akong tulog simula kagabi.
Nagpunta akong Glorietta para kumain sa simpleng Kainan, Sa World's Chicken. kung saan, sa hindi ko mawaring dahilan eh nahuhumaling ako sa lasa ng grilled chicken nila... may halo sigurong shabu or marijuana. ang side dich ko ay Bacon rice pati Pesto pasta. busog to the max ako, Kasama ko nga pala si "J" (nickname lang), ang friendly neighborhood fashionista kong friend. tipong magsusuot ng Gown or Kimono kahit papasok lang sa isang simple at normal na araw sa trabaho. Magbibihis ng mala princess Sarah or Chun'li Japanese school girl na damit para mag-mall or magsimba. astig di ba?
HINDE.
kasi pati ako tinitingnan ng tao. camera shy pa naman ako.
mabalik sa usapan, nag libot kami bago umuwi... OO, tama ang narinig nyo,,, kapupunta palang namen sa Glorietta uuwi na kame.
Nak ng teteng naman kasi saka pa sumakit ang tyan nitong si kaibigang J, ayun... napilitan kaming umuwi ng maaga. at dahil BORLOGz na kaming parehas.. yun nga.. we decided to keep our travel short (OHA! NOSEBLEED)
habang naglilibot kami, nakakita si J ng isang cellphone, mukha lang syang nokia 1100 kung lam nyo ang itsura non. yun nga lang silver plated at mejo mukhang may rhinestones sa gilid. VERZIO ang tatak, hindi ko alam kung matibay yon pero nung nakiuta ko ang presyo, dapat lang mas matibay pa sya sa pagkakatayo ng great wall of china:
Umaatikabong PHP330,000.00 ang halaga ng karampot na bagay!!!
kulang nalang ay lumuhod ako at itaas ang mga kamay ko habang naglalakad paluhod patungong quiapo para ipagdasal ang kaluluwa ng bibili ng cellphone na yon...
(hindi para maliwanagan, para maisip nya na ibahagi nalang nya saken ang kayamanan nya kung wala na syang mapaglagyan)
natawa nalang ako.
napadaan kami sa third floor ng glorietta, may mga botique na naglalaman ng cuttlery set and kitchen wares. may nakatawag ng pansin ko. Isang set ng kubyertos. mukhang matibay naman at ginagamit sa mamahaling restaurant.. pero ang main feature nya:
may 25 years warranty sya. so garantisado ka sa quality.
putek... bibili ba ako ng ganitong bagay sa loob loob ko.. baka wala pang isang taon nawala ko na yang mga yan. sinabi ko kay J yung nakita ko, sabi nya:
"sigurado ako sa mahal ng presyo nyang one set ng kutsara tinidor na yan, dapat lang na may 25 years warranty yan"
natawa ulit ako, maatim ko bang bumili ng libo libong halaga ng ISANG set lang na kubyertos kung ang ulam ko naman eh sardinas o tuyo lang?
NEVER. OvEr My DeAd SupeR dUpER GooDlooking BOdEEee!!!
ang mga mayayaman nga naman, porke wala nang mapaglagyan ng pera.. gumagawa ng paraan para kahit papano pag pumunta sila sa mall may mabibili't mabibili pa rin sila.
although masaya ang buhay mayaman, mas maganda paring mamuhay ng simple at payak, dahil sa mundong ito, hari ang mga jologs. (haha)
Buti pa si INDAY, tuwing day-off watch watch lang ng sine. solb na.
Namiss ko tuloy yung labandera namen.... hay.

AnG BuHaY sA CalL CenTer


*****************

Hapon na naman, may pasok na naman ako mamayang gabi, Eto ang hirap pag isa kang CALL CENTER AGENT. Sa gabi, para kang aswang na talak ng talak sa mga kano pero deep inside antok na antok ka na. pag labas mo ng opisina, talo mo pa ang bampira sa laki ng eyebags mo. buti sana kung kasing gwapo ka ni Edward Cullen sa twilight, Solb ang problema mo. Eh pano kung si Gollum ng "the lord of the rings" ang kamukha mo, tapos alas tres ng madaling araw ang labas mo sa opisina... lahat ng makasalubong mo sasabihan kang:




"Lumayo ka satanas! sa ngalan ni kristo, bumalik ka sa pinagalingan mo!"

(sabay krus ng dalawang pointing fingers nila)




Halos dalawang taon na ako nagtratrabaho sa Call Center pagka graduate ko, bukod pa dun yung anim na buwan kong part time job sa isang call center sa Makati nung nag-aaral pa ako. Ngayon, dito ako sa may Mall of Asia nagtratrabaho, kaya pag nagka-Tsunami ako ang unang unang makakapag surf papuntang Makati area... Yun ay kung marunong akong mag-surf.



Madali lang naman ang trabaho pag sanay ka na, pero kung tatanga tanga ka, kakainin ka ng buhay ng mga Amerikanong umuusok ang ilong at walang ibang ginawa kundi magreklamo sa telepono. Mga tickets sa airport ang handle ko sa isang Famous airline sa states, clue: yun ang airline na naging sikat dahil sa pagtama ng eroplano sa twin tower nung September 11. OO, yun yon.



Masaya ang mga tao sa Call center, madalas, madadaldal, chismosa at magpag-gawa ng kung ano anong kwento... kaya siguro sila pumasok bilang agent on the phone. kahit na minsan wala nang oras dumaldal sa katabi, gagawa at gagawa ng paraan makapag chismisan lang. eto ang isang scenario:





Girl 1: (walang calls sa phone nya) Oi frend! alam mo ba si **** at si **** na pala! grabe noh? kaya pala punta ng punta dito eh.





Girl 2: (wala ring calls) Talaga? eh kilala mo kung sino ang bagong buntis? si *****. nakita ko nagpasa ng medical certificate sa TL nya





Girl 1: Talaga???? Eh di ba sila ni ---- (biglang pinasukan ng call)





Girl 1: "Hi thank you for calling my name is *****, how can I help you today??"

(sabay senyas kay girl to na to be continued ang usapan)





Ganun ang eksena sa opis, paputol putol ang usapan pero sulit naman daw. hindi sila inaantok. kaya paglabas nila ng opis sa umaga. kulang nalang murahin na sila ng mga lalamunan nila sa pamamaga nito.



Problema rin ang pagtulog lalo na sa umaga, dahil technically ang katawan natin ay sanay ng tulog sa gabe, hindi masyadong maayos ang tulog at mababaw lang. sa bahay nga namen ang kwarto ko; sarado ang pinto, patay ang ilaw, may makapal na takip sa bintana at wala dapat maingay. pag may isang pulgadang ilaw lang ang nakapasok sa kwarto ko sumisigaw na ako ng:





"AHHHHHHHHHHHHHH!!!!! Ilaw! I hate lights! nasusunog ako! huwaggGGGG!!!!!!"

(sorry exaggerated lang to mg a dudz)





Kahit na hindi kami peace ng haring araw at lagi akong may baong shades kahit gabi at umuulan, hindi naman ako naninilaw at wala parin naman akong pangil o medyo nahuhumaling sa dugo.


Eto ang mga tips kung paano nyo malalaman na sa call center nagtatrabaho ang kasabay niyo sa daan:






  1. Pinakaunang sign, sa gabi mo sya makakasalubong, at tipong fresh na fresh pa sya at bagong paligo. kung hindi naman sa fresh, malamang tumtakbo din sya. isa lang ang dahilan --- kasi late na yun at tinatalakan na ng supervisor nya dahil palagi nalang syang late.


  2. Pag sa umaga mo naman nakasabay, parang tamad na tamad kahit kakasikat palang ng araw. at tipong ayaw masinagan kahit kapiranggot ng Sun Rays. Mukhang mabaho na at Haggard ng sobra sobra. mukhang wala sa sarili at kakagaling lang sa bugbugan.


  3. Ang laman ng bag nya, mamahaling cellphone (pero wala naman load dahil hindi sya makapag text sa umaga at wala naman syang katext sa gabi.), Shades (ang kakampi ng bawat call center agent), at ang mahiwagang Tumbler (mapa-starbucks man yan, oh cheap looking basta tumbler IN ka sa Call center society)


  4. Mapapansin mo ding may dala syang JACKET kahit na hindi umuulan at tirik na tirik ng araw maghapon. pag bongga pa ang nakasabay mo, tipong pang north pole jacket na may Fur pa ang dala nyan. MAG-INGAT ANG MGA MAY HIKA.


  5. Lastly, Pa- SOSI mag salita yan. Tipong pa slang slang pa pero maya maya mapapansin mo na ang VISAYAN accent nya. yung tipong mag nonose bleed si manong jeepney driver dahil nagbayad sya ng pamasahe eh todo english pa sya ng todo.



Kaya sa susunod may makasabay kayo alam nyo na ang mga signs kung CALL CENTER AGENTS sila o hindi pero MAG-INGAT:



****** 99 out 100 call center agents ay mabangis at mala-animal ang ugali pag walang tulog, kaya wag nyong tititigang mabuti dahil pag nahuli kayo, baka sa ospital ang bagsak nyo. OK?******



Ayan, tapos na naman ang isang mala-telenovela Moment ko dito, na-realize ko lang na....



PUTEK!!!!! isang oras nalang papasok nako!!!! hindi pa ako natutulog! takteng buhay to!!!



sige nah!! Late nanaman ako nito, 'langyang buhay to oh.



Ang Pakikipagsapalaran sa CONCERT ni DAVID COOK



******************************************

Ang sakit ng ulo ko: pati lalamunan ko pumuputok na sa ubo. 11am ng sabado. Concert na pla mamaya ni David Cook at David Archuleta. Excited na siguro si Mama. Super Mega duper over fan kasi yun nung dalawa. Bumili ako ng apat na tiket para sa mama ko, sa dad ko at sa kapatid kong negosyante.


Dahil sa sobrang antok ko at sa sama ng pakiramdam ko, kumain lang ako ng almusal nakatulog na ulit ako. pagkagising ko alas-tres na ng hapon. Naligo nako habang si mama at si dad ay nagbihis naman. nako, kung hindi ko pagugulatin baka tapos na ang concert nasa bahay pa kame.


Si Deeanne,, ang kapatid kong laging may dalang calculator (pang compute ng kita nya), nasa MOA na at may ka business transaction, hihintayin nya nalang daw kame dun para sa concert. wow. multi tasking.


at dahil malapit lang kami sa MOA, sandali lang ang byahe, nakarating kame ng mga alas-siete ng gabe. 8pm ang start so hindi pa kami huli. hindi ako nagdala ng digicam dahil bawal daw sabi sa website ng ticketnet, at dahil good boy si tanga, hindi nga nagdala. samantalang naka DSLR pa ang mga Mokong na kasabay namen sa pila.


hinintay namen si Deeanne sa 7-11 sa tabi ng open ground sa MOA, binili ko ng pagkaen si Dad at baka magutom sa loob at magwala,,. pag nagkataon palalabasin lang kame ng mga dambuhalang bouncer nila. hahaha. pagdating sa entrance, sabi ni deeanne gusto daw nya nung concert poster ni David Cook na nandun sa stall bago pumasok ng concert ground, ang kaso, kelangan bumili ka ng ECO GREEN BAG set worth 140php bago ka makakuha ng poster. at dahil back-up nya si mama, wala akong nagawa. HANEP, ang laki ng kinita ni HENRY SY dito. wahehehe.


Inisip ko nalang para ito sa kalikasan at sa ikagaganda ng mundo. stop climate change. bow.


Pagdating sa checking ng gamet.... bawal daw ang pagkaen sa loob dahil may nabibilhan daw dun. putek talaga. binili ko pa naman si dad ng pagkaen. So wala akong nagawa dahil mukhang rhinocerus yungmga pagmumukha ng mga bouncer na any minute tutuhugin ako pag umalma. kahit ilang milya pa ang layo ng parking area kung saan naka-parada ang sasakyan namen. todo takbo ang dala ang green bags, pagkaen at ang bag ni deeanne pabalik sa sasakyan. lumipas ang 15 minuto, nakabalik ako na parang galing na sa stampede ng concert. talo ko pa ang magcoconcert, basang basa nako ng pawis. yak!


Sa awa ng dios nakarating din kame sa loob, at habang naghihintay ng paglabas ng mga singers, naglibot libot muna kame dahil ang dameng mga pakulo sa loob, may nagbebenta ng sapatos (sketchers), may mga pagkain (Mcdo), at lotion (Myra). nanghingi pa ng poster si mama pati PIN na nakalagay I LOVE DAVID COOK. grabe. anyway, yun nga, tumawag ang kaibigang lugie dahil sa hindi ko alam na rason eh nalaman nyang nasa concert ako. nag-call back ako sa kanya dahil gumamit ako ng 20 minutes call sa GLOBE. so syempre 20 minutes kameng nag-uusap hanggang sa mag start ang concert. pagkatapos na pagkatapos namen mag-usap, namatay ang cellhone ko.


low batt.


PATAY.


deadz na deadz talaga. wala pa naman akong camera, si deeanne naman low teach na phone ag dala, takteng buhay talaga. pang friendster na nga lang at facebook, nawala pa. buti nalang nakapag picture picture nako bago namatay ang fone ko. kaya mukha akong kawawang bata habang nagpipicture ang mga katabi ko gamit ang mga CASIO, SONY, MINOLTA, KODAK at kung ano ano pang digicam, gusto ko sana sabihing:


"mga punyeta kayo... huhuhu. hindi nyo ba nabasa sa website na bawal ang DIGICAM DITO! bakit nagdala parin kayo!!!"


(sobrang bitter ko talaga..)


pero dahil sayang ang binayad ko kung magmumukmok lang ako.. nagpakasaya nalang ako sa panunuod at pakikinig. mag sesearch nalang ako sa net para sa mga picture sa concert na to, malay mo nahagip pala ako sa mga nagpicture, eh di may instant kuha na ako.


Masaya naman ang concert, kumanta si David Archuleta, hindi ko alam yung mga kinanta nya dahil hindi naman ako bumili ng album niya so pa-indak indak lang ako habang kumakanta sya. yung kanta lang nyang "im still not over you" , "crush" at "stand by me" ang medyo nakarelate ako. sobrang overwhelmed daw sya sa sobrang dame ng pumunta. Whatever. pero sa totoo lang, nakakatuwa sya kasi masigla syang mag concert. mukha rin syang tumitira ng katol, parang si Ana May, yung ka work mate ko na bangag pag pumapasok. Peace Ana May. Si David Cook naman medyo puro pasigaw lahat ng kanta, rock kasi, kaya yung mga nanay at mga lola, medyo nakakunot ang nuo at nakataas ang kilay.


Si deeanne, dahil pagod na siguro napag katuwaan nalang ang mga reaksyon ng tao. sabi kasi ni David Cook:


"I wanna see everybody up!"


ang mga dugyot namang nanunuod sige palakpak sa ere.. parang mga baliw.


sabi ni deeanne:


"di ba ibig sabihin nun talon? bakit si pumapalakpak?"


medyo hidni masaya ang audience pagdating kay David Cook, kasi wala man lang tumatalon, nag Slamman at nag wawala. hindi ko alam kung mga patay na bata ang katabi ko oh dahil puro sa matatanda ako napunta. yung mga bagets kasi sa gitnang part parang nag rarambulan eh. so ayun, dahil nabusog na ang mata ng lahat, umuwi na rin kame para makapag pahinga. as usual, si mama, ibibida ang PIN na nakuha niya at ang pag papa-picture nya sa human size poster ni David Cook sa mga amiga nyang hindi nakapanuod. Si dad naman as expected, puro criticism na kesyo nung sinaunang panahon mas magagaling daw ang manganganta, wala pa rin daw tatalo kila Tom Jones at kung sino sino pang laman ng karaokeng luma. At si Deeanne, nangangarap kung kelan makakapag produce ng concert na katulad nun, para kumita sya ng malaki.


Buhay nga naman. parang Life. May mga taong pinagkakaguluhan at pinagkakagastusan, makita lang.... eh nandito naman ako, available 24/7. hehehe.


**************************




Mama: hello everyone! I'm here up close and personal with DAVID COOK. O ha!

Ang kwento ng Wan en OnLi BARISTA



___o0O---O0o____

Dis-oras na ng gabe, nakatunganga parin ako sa monitor ng computer at walang sawang nag-ttype ng mga kung ano ano dito. Ako nga pala ang May-ari ng blogg na to. at ito ang naicp kong tema dahil sa isang mala-batang pakikipag sapalaran ko sa Mall of Asia kasama ang mentally retarded na kabigan, Si Lugie (Joke lang! baka pagsasak sakin moko ng kutsilyo ha).
*** Naisipan namen last year na mag tingin tingin ng mga kung ano ano sa mall, at dahil malapit lang ang trabaho namen sa MOA, dun na kami naghasik ng mga katarantaduhan. balak ko kase bumili ng pabango (kasi nangangamoy nako that time). kaya lang nahihiya akong pumasok sa mga bigating mga botique (pormang magnanakaw kasi ako that time), pero dahil kasama ko ang kaibigan kong matalik na walang pakialam sa mundo, sugod kame.
kung ano-anong pabango pinag aamoy namen. HUGO BOSS, COOLWATER, DIESEL, ARMANI. yung tipong sumasakit at namamaga na ang ilong ko sa ka aamoy ng mga pabango. sabi nung salesman, dahil nahalata nyang mukha na akong nakatira ng katol:
"Ser, eto po, Coffee bean para ma neutralize ang amoy"
Ayun, aba. pagka amoy ko na coffee bean, wow. nagbalik ang ganda ng mundo at sumigla ang pakiramdam ko. (oha, drama di ba?). at dahil may kasama rin akong may mas sapak sa akin, nang-hingi pa ng piraso kay kuyang salesman sabay eskapo sa botique.
*** pagkatapos nagpunta kame sa mga 2nd class na mga perfume shops; ZEN ZEST, AFFICIONADO, MOSSIMO, PENSHOPPE, BENCH. parang kameng mga tanga na amoy ng amoy ng pabango habang halos masinghot na namen ang nag iisang coffee bean na hawak ni Lugie. at may spiels pa kame pag aamoy na kame ng coffee bean:
"kopi bean kopi bean muna! MMMmmHhhhmmm"
ayun natapos ang buong araw. wala kameng nabili kahit isang pabango, namaga ang butas ng ilong ko sa kaka-amoy, nahati sa dalawa ang coffee bean na sinuwerteng maka-survive sa ginawa nameng pag-amoy sa kanya. pinaghatian pa nga ata naming dalawa yun eh. remebrance.
So dun ko nakuha ang pangalan ng blogg ko, simbolo ng mga kwelang kwento ng buhay, na kakapulutan ng aral kung pagtitiyagaang basahin, at salamin ng katanrantaduhan sa buhay na kasing init ng kape pero kasing tamis ng tsokolate.
Related Posts with Thumbnails