(bago ako magsimula, advertise ko lang... guys you can add me sa facebook ko, mah email is edrianne.delacruz.rn@gmail.com )
hays.. buhay zombie talaga ang life ko ngayon.. grabe. after I resigned sa callcenter (yeah, friends na kame ng ARAW ngayon.. hehe) sobrang nadepress ako,., ganito pala kahirap humanap ng trabaho bilang isang nurse... ( buti pa si Judy Ann Santos sa, "HABANG MAY BUHAY" teleserye... madaling nakakuha ng trabaho pagka graduate palang).. I usually complain pag nag aaply sa mga medical institution:
"anu ba yan,, ang tagal tagal ng hinintay ko, 8am to 5pm... mula cartoons sa umaga hanggang atorse naabutan ko na sa TV ng reception area tapos initial interview lang nangyari sa akin.. blah.. blah.. blah.."
kaya ayon.. until now wala pa rin akong work.. almost 8 months na akong KATUGA... KAin, TUlog, at ang edited version ko sa acronym... GAwaing bahay.
ni hindi man lang ako makapag starbucks.. nakaapat lang akong stamp nung christmas para sa planner nila.. (kasi naman kinuha ni Tina yung iba kong stamp para sa planner nya)
pero ok lang. hindi naman ako BROKE ika nga nila... meron pa rin akong pera.. sa tulong ng aking butihing momma..
tuloy pa rin ako sa pag pasok ko sa masteral class ko, 2nd semester ko na nga ngayon eh... 3 semester nalang graduate na ako.. (^_^)
pero hindi naman puro bulakbol ang ginawa ko sa mga oras na wala akong pinagkukunan ng pera.. nakapag volunteer din ako sa isang lying in clinic.. (kwento ko sa susunod)..
pero madalas... puro internet lang ako sa bahay at official yaya ng alaga naming aso.. kaya nga nahilig ako maglaro ng plants vs zombies eh... saka kung noon na hindi ako nakakanuod ng tv at para akong tanga habang naguusap ang mga kapamilya ko ng mga palabas at commercial sa tv... ngayon.. avid fan na ako ng PBB, teleserye sa gabi at mga kung anik anik na commercials ngayon.
noon:
"kuya, kuya... alam mo ba yung commercial ng cobra energy drink? nakakatawa yun noh?"
"ha? anu yung cobra energy drink? teka, anong araw na ba? "
ngayon:
"(text sa cp) Oi, umwi k n.. mlpt na mag SANTINO.. ska mganda PBB ngyon... may d8 c melai at echo.. hehehehe"
noon:
"hainako... kapagod mag-gala sa mall... makabili nga sa starbucks ng dark moccha frappe at isang belgian waffle with strawberry syrup.."
ngayon:
"hais... pakshet! sa bahay na naman ako buong araw,,, grrr... makabili nga ng MILO. hmp."
noon:
"OMG late nako sa klase, i have to ride a cab... "
ngayon:
"ayun may jeep.. kelangan makasakay nako para makapag LRT pa ako later.. dahil male-late ako sa klase"
noon:
"ui may 3 day sale sa SM!!!! bibili ako ng mga pang get up ko for the christmas season"
ngayon:
"haiz makapag 168 nga sa divisoria.. "
noon:
"wow may bagong palabas sa sine... i have to see this on the big screen or sa IMAX"
ngayon:
"buti nalang may online movies... nakakapanood pa rin ako ng latest movie ngayon"
****ayun... hahahaha.. exaggerated naman lahat yan.. pero medyo parang ganyan na din ang life ko ngayon... lesson learned... wag muna mag reresign pag wala handang lilipatan na trabho... pero kung ginusto ko... matagal na akong nag tratrabaho sa call center ulit... ayun nga lang... as much as possible ayoko na bumalik sa pagiging zombie sa gabi... mabuti na ang zombie sa umaga... kahit walang money panggastos... masaya paring maging normal na tao.. hehehe.
pero in fairness nararamdaman ko na din ang kahirapan ng buhay.. kaya i feel for those people na hanggang ngayon after graduation nila ng college eh jobless pa rin.. kung ikukumpara nga im lucky pa rin kasi nakapagtrabaho ako even before graduating eh.. it just so happen na im at the bottom part of life now.. pero saan pa at malalampasan ko rin to.. ganyan talaga ang gulong ng buhay.. at isa pa... AKO SI EAGLEMAN.. (secret lang natin yun ha).. mabuti narin ito kasi nalaman ko how is life without money and stability... para pag nagkatrabaho ako ulit.. i have a driving force to excel more kasi alam ko na ang mga consequences.
basta i PROMISE.. i will be a sucessful medical professional. hmmmrrrpp.. huhuhuhhhuhuhu...
(~~<)
No comments:
Post a Comment